9 sundalo sugatan sa bakbakan
MANILA, Philippines — Malubhang nasugatan ang siyam na sundalo matapos na pasabugan ng eksplosibo na nauwi sa bakbakan sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang liblib na lugar sa Brgy. Bay-ang, San Jorge, Samar, kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Captain Ryan Velez, Civil Military Operations (CMO) Officer ng Army’s 803rd Infantry Brigade (IB) bandang alas-6:50 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng militar ang hindi pa madeterminang bilang ng mga rebelde sa kagubatan ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat ni Lt. Col. Rizaldo Laurena, Commanding Officer ng Army’s 63rd Infantry Battalion (IB) kasalukuyang patungo ang tropa ng militar sa Brgy. Bay-ang, San Jorge, Samar nang masabat ang grupo ng NPA.
Agad nagpasabog ng eksplosibo ang mga rebelde laban sa tropang gobyerno kung saan nasugatan ang siyam na sundalo hanggang sa mauwi sa bakbakan ang insidente.
Ang mga rebelde ay mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng kagubatan bitbit ang mga sugatan sa kanilang hanay.
Samantalang agad namang isinugod sa pagamutan ang mga sugatang rebelde para malapatan ng lunas.
- Latest