Lider ng drug group todas sa encounter

Ayon kay Sr. Supt. Felix Verbo Jr, director ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO), alas-9 ng uma­ga habang sinisilbihan ng search warrant ng mga tauhan ng ZPPO ang suspek na si Ali Nali sa hideout nito sa Barangay Calapacuan, Subic nang umano’y paputukan nito ang mga papara­ting na raiding team.

SUBIC, Zambales , Philippines  —  Napatay nang maki­pagbarilan sa pulisya ang isang tinaguriang lider ng malaking illegal drug at gun-for-hire groups sa isinagawang pagsalakay sa lalawigan ng Zambales, kamakalawa.

Ayon kay Sr. Supt. Felix Verbo Jr, director ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO), alas-9 ng uma­ga habang sinisilbihan ng search warrant ng mga tauhan ng ZPPO ang suspek na si Ali Nali sa hideout nito sa Barangay Calapacuan, Subic nang umano’y paputukan nito ang mga papara­ting na raiding team. Bukod sa pagiging lider ng “Karansang” Drug Group sa Zambales,  kilala umanong wanted na kriminal si Nali ng Police Regional Office-3 sa Central Luzon. Nakilala naman ang dalawang tauhan nito na sina Aiza Sally, 28 at Rolando delos Santos, 39, kapwa mga residente ng Subic. Dalawang granada,  pitong plastik sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang shotgun, mga drug paraphernalia, cellphone at P14,000 cash ang nakumpiska ng pulisya sa operas­yon.

Show comments