Bomber sa Cotabato mall blast natimbog

Sinabi ni Chief Supt. Eli­seo Tam Rasco, director ng Police Regional Office (PRO) 12, ang suspek na nakilalang si Salipudin Pasandalan, 56, ay kalaboso na sa Cotabato City Police Station.
AP

MANILA, Philippines — Bumagsak na sa mga awtoridad ang isa sa dalawang bombers  na nakunan sa Closed Circuit Television (CCTV) na naglagay ng ikalawang bomba sa loob ng South Seas Mall ilang minuto matapos ang unang pagsabog sa lungsod ng Cotabato noong bisperas ng Bagong Taon na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng 34 iba pa.

Sinabi ni Chief Supt. Eli­seo Tam Rasco, director ng Police Regional Office (PRO) 12, ang suspek na nakilalang si Salipudin Pasandalan, 56, ay kalaboso na sa Cotabato City Police Station.

Nabatid na matapos ipalabas ng Special Investigating Task Group (SITG) South Seas ang larawan ng dala­wang suspect sa pambo­bomba base sa nakunan ng CCTV ay isinurender na nitong Enero 6 ng gabi ng kanyang pamilya ang suspek.

Ayon kay Rasco, isinailalim muna sa masusing interogasyon ang suspek kaya pansamantalang hindi muna ibinigay ang impormasyon sa media sa pagkakaaresto rito.

Magugunita na una nang tinukoy ng militar na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiyah terrorists na mga Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) inspired ang nasa likod ng pagsabog.

Show comments