‘Live sex show’ sa bar natiklo
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Tatlong dalagita ang nasagip habang arestado ang dalawang umano’y “bugaw” sa isinagawang pagsalakay ng pulisya sa isang videoke bar na nagsasagawa ng “live sex show” sa Brgy. Sta.Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya noong Linggo. ?
Kinilala ni Sr. Insp. Fernando Malillin, hepe ng Bayombong Police ang mga umano’y arestadong bugaw na sina Rosito Bumatay Jr., 49, ng Brgy. Osmeña, Ilagan City, Isabela at partner niyang si Harlene Oliva, 18.?
Ayon sa report, nabisto ang malaswang pagtatanghal ng Lady Mau Videoke Bar matapos magpanggap na customer ang mga pulis ng Bayombong na sumalakay sa show dakong alas-10:20 ng gabi.?
Sinabi ni Malillin na narekober nila ang P1,000 entrapment money mula sa mga suspek bilang kabayaran sa pagsasayaw nang malaswa ng mga dalagita habang inihahagis ang kani-kanilang saplot sa customer.?
Napag-alaman na walang kaukulang permit ang nasabing bar.