TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Malubha at nanganganib na mabulag ang tatlong katao kabilang ang dalawang paslit matapos masabugan ng paputok sa mukha sa magkahiwalay na insidente sa Cagayan noong pagpasok ng 2019.?Kinailangan pang ilipat sa Cagayan Valley Medical Center mula sa Baggao District Hospital si Jaylord Ramos, 28, na napinsala ang kaliwang mata matapos masabugan sa mukha ng sinisindihang fountain sa Brgy. Awallan.
?Nasabugan din sa mukha ang mga paslit na sina Erick Jay Bunnao, 7, at Adonis Buquing, 8, nang silaban nila ang laruang “Boga” na gawa sa PVC pipe sa mga bayan ng Abulug at Baggao.?Kinailangan pang isugod sa Far North Luzon General Hospital sa Luna, Apayao mula sa Abulug si Bunnao habang sa Cagayan Valley Medical Center si Buquing mula sa Baggao upang mabigyan ng sapat na atensiyong medikal ang maselan nilang kalagayan.