Jeep tumagilid: 16 sugatan

Nagtulung-tulong ang mga residente sa lugar upang madala sa ospital ang 16 na magkakamag-anak na nasugatan nang mawalan ng kontrol at tumagilid ang sinasakyan nilang jeepney sa Purok 7, Brgy. Manubuan, Matalam, North Cotabato kahapon.
(Kuha ni Rhoderick Benez)

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —   Nauwi sa aksidente ang sana’y masayang pagtitipon ng magkakamag-anak matapos silang maaksidente at masugatan ang 16 sa kanila habang lulan ng jeepney sa national higway sa Purok 7, Brgy. Manubuan, Matalam, North Cotabato kahapon. Kinilala ang mga biktima na sina Susan Garcia, 65; Aneila Theresse Garcia, 9; Althea Suzzen Garcia, 9; Pederico Garcia, 68; kapwa isinugod sa Amas, Provincial Hospital at sa Kidapawan City Mediacl Especialist ginagamot sina Benjalen Prado, 41; Zedney Jane Prado, 9; Kylle Evic Prado, 7; Argie Tasic, 32; Kristopher Ivan Tasic 4; at Kian Ali Tasic. 

Sugatan din sina Darwin Garcia, 29; Jarlene Dele, 54; Josephine Prado, 65; Maria Garcia 53; at Maria Claire Garcia, 23; pawang mga nakatira sa Brgy. New Pandan Matalam, Cotabato at Cecilia Dale, 54, ng Brgy. Paco Kidapawan City. Sa ulat ng Matalam Police, binabagtas ng mga biktima ang lugar mula Kidapawan City sakay ng isang pampasaherong jeep at papunta na sana sa isang pagtitipon sa bayan pasado alas-2 ng hapon nang mawalan umano ng kontrol ang jeep at hindi na naikabig pa ang manibela ng driver na si Rene Torre Paciente dahilan upang tumagilid ito hanggang sa matumba na ikinasugat ng mga pasahero nito.

Show comments