Mananabas pisak sa bumagsak na sanga

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Durog ang isang mananabas matapos mabagsakan ng isang malaking sanga ng kahoy habang nagtatabas ng damo sa plantasyon ng abaca sa Brgy. Sicmil, Gigmoto, Catanduanes kamakalawa ng hapon. Patay agad dahil sa tinamong pinsala ng katawan ang biktimang si Joel Soriao Tejeresas, 56-anyos, ng nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon, kasama ang kapwa mananabas na si Freddie Tureda ay nagtatabas ng damo si Tejeresas sa kanyang abaca plantation nang sa hindi inaasahan ay aksidenteng nabali ang isang nabubulok na at malaking sanga ng kahoy sa tabi ng kinatatayuan mismo ng biktima. Sa bilis ng pangyayari, hindi na nakaiwas pa ang biktima kaya sa kanya mismo bumagsak ang malaking sanga dahilan para madurog ang katawan nito na agad nasawi.

Show comments