3 huli sa pekeng gold bar

Bukod sa mga pekeng gold bars, nakuha rin ang tatlong baril sa mga suspek na sina Santos Saiwan, 53; Robert Tomas at Ryan Ambin ng Marilog District, alas-2:30 ng hapon, ayon sa ulat ni Chief Insp. Milgrace Driz, ang hepe ng Davao City Police.

NORTH COTABATO, Philippines — Arestado ang tatlong lalaki na hinihinalang ka­sapi ng sindikato na nagbebenta ng mga pekeng gold bar sa inilatag na entrapment operation ng mga otoridad sa Sitio Kibangan, Marilog proper, Davao City, Miyerkules ng hapon.

Bukod sa mga pekeng gold bars, nakuha rin ang tatlong baril sa mga suspek na sina Santos Saiwan, 53; Robert Tomas at Ryan Ambin ng Marilog District, alas-2:30 ng hapon, ayon sa ulat ni Chief Insp. Milgrace Driz, ang hepe ng Davao City Police.

Isinagawa ang operasyon matapos umanong ireklamo ang tatlo ng isang Merlina Maer mula sa Taytay, Rizal na sinasabing bibili sana ng bogus gold bullion.

Narekober sa operasyon ang mga bundles ng marked money na pekeng P500 na pera na ginamit sa dragnet operation.

Ang mga suspek ay kasapi umano ng mga gang na idinadawit sa mga armed robberies, swindling at gunrunning sa mga lalawigan ng Davao del Sur, Davao del Norte at iba pa.

Show comments