MANILA, Philippines — Ipagdiriwang bukas (Martes) ang ika-75 taong pagkakatatag ng Filipino Inventors Society (FIS) habang ika-25-taon naman ang National Inventors Week (NIW).
Ang Diamond Jubillee ng FIS at ang Silver Anniversary ng NIW na may temang “Inventrepinoy for sustainable growth and prosperity” ay inaasahang dadaluhan ng may 18,000 katao at free admission para sa lahat ng gustong makiisa sa okasyon.
Ito ay pangungunahan nina DOST Sec. Fortunato ‘Boy’ Dela Pena, FISPC President Popoy Pagayon, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at iba pang opisyal ng pamahalaan, iba’t-ibang organisasyon, pribadong sector at mga estudyante ng Mariano Marcos State University (MMSU).
Nagsanib-puwersa para magkaroon ng masaya, masagana at makabuluhang pagdiriwang ang Filipino Inventors Society Producer Cooperative (FISPC), Department of Science and Technology (DOST), Technology Regional Office No.1, Technology Application and Promotion Institute (TAPI), MMSU, Provicial Government ng Ilocos Norte at City of Batac.
Ilan sa nakalatag na programa ay ang Technology Exhibit, Technology Fora, Training and Workshop at Bazaar na gaganapin naman sa Teatro Ilocandia, MMSU, Batac, Ilocos Norte.