Cash reward sa Cagayan massacre, alok
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Nag-alok na kahapon ng paunang pabuyang P50,000 cash ang pamahalaang lokal ng Lal-lo, Cagayan para sa sinumang makakapagturo o makakapagbigay ng impormasyon sa dalawang suspek sa pag-masaker sa apat na negosyante sa isang videoke bar sa Brgy. Magapit noong Martes.
Ayon kay Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Mario Espino, ang cash reward ay kasabay ng kautusan ni Lal-lo Mayor Florante Pascual na pagpapasara ng mga beerhouse sa nasabing lugar na binulabog ng sunud-sunod na patayan.?
Matatandaan na niratrat ng dalawang suspek ang magkakasosyo ng videoke bar na sina Eugene Javier, ang buntis na misis niyang si Princess, pinsang si Ramsey Javier at misis nitong si Mikaela matapos na makipagtalo nang hindi sila pumayag sa gusto ng mga suspek na makipagtalik sa kanila ang isa nilang GRO na umano’y bagong panganak pa lamang.?
Ayon kay Espino, may paniwala ang mga imbestigador na maaaring kaanak ng pulis o militar ang mga suspek na gumamit ng cal. 45 at cal. 9mm baril sa pag-utas sa kanilang mga biktima dahil narinig umano ng mga saksi na ipinagmamalaki nila ang kanilang koneksyon sa maimpluwensiyang tao.?
- Latest