^

Probinsiya

Laguna drug ops: 15 na patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Laguna drug ops: 15 na patay!
Ang tatlo pa ay bumulagta sa magkakahiwalay na ope­rasyon ay sina Leonardo Perez sa Brgy. II-B sa lungsod ng San Pablo; Benjie Maraba ng Brgy Caingin, Sta Rosa City, Laguna at Louie Valenciano, tinatayang nasa 26-30 anyos na bumulagta dakong alas-2 ng madaling araw sa Brgy. Sto Angel Norte, Santa Cruz ng lalawigan.

79 pa arestado

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 15 drug personalities ang napapatay matapos na 10 pang mga suspek ang karagdagang mapaslang sa shootout habang 79 pa ang nasakote sa loob ng dalawang araw na anti-drug campaign sa Laguna nitong Huwebes ng gabi hanggang madaling-araw kahapon.

  Sinabi ni Sr. Supt. Eleazar Matta, director ng Laguna Provincial Police Office, kabilang sa 10 pang suspek na umano’y nanlaban ay kinilalang sina Resel Ortega ng Brgy. Turbina at Miguel Centeno alyas Igue, ng Brgy. Parian; pawang sa Calamba City;  Loui Valenciano ng Brgy. Sto Angel Norte sa Sta Cruz; Edgar Layos alyas Toto sa Daang NIA 2, Brgy. Tagapo, Sta Rosa City at tatlo na inaalam ang mga pangalan, sa shootout sa Brgy. Yukos, bayan ng Nagcarlan.

 Ang tatlo pa  ay  bumulagta sa magkakahiwalay na ope­rasyon ay sina Leonardo Perez sa Brgy. II-B sa lungsod ng San Pablo; Benjie Maraba ng Brgy Caingin, Sta Rosa City, Laguna at Louie Valenciano, tinatayang nasa 26-30 anyos na bumulagta dakong alas-2 ng madaling araw sa Brgy. Sto Angel Norte, Santa Cruz ng lalawigan.

Sa operasyon naman sa Brgy. Banlic, Cabuyao City, napatay sa operasyon kamakalawa ng gabi ang dalawang drug suspect na naka-bonnet at nakasuot ng kulay itim na jacket  matapos na kumasa sa buy- bust operation.

Nakumpiska sa mga operasyon ang 39.94 gramo ng shabu; karagdagang 45 sachet ng shabu, cal. 45, isang cal. 38, isang cal. 22, may 10 bala ng cal. 22, mahigit  P3,000 cash at mga drug paraphernalia.

ANTI-DRUG CAMPAIGN

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with