Tauhan ni Mayor Dy, pinatay
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Brutal na kinatay ng mga hindi natukoy na berdugo ang isang kawani ng munisipyo at tauhan ni Mayor Francis Dy matapos madiskubre ang gutay nitong bangkay sa kalsada ng Barangay Dammang West sa Echague, Isabela kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Edgar Panganiban, 58, kasapi ng Public Order and Safety Unit ni Mayor Dy.
Ayon sa report, nadiskubre ng mga kabataan ang bangkay ng biktimang nakahilata sa daan na puno ng taga sa katawan at saksak sa mukha dakong alas-8:30 ng gabi.
Tinitingnan ng mga imbestigador ang motibo sa personal na alitan sa nangyaring krimen.
- Latest