Kelot kisay sa kuryente

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang matagpuan ng foreman ng JM Olbes Hardware Construction Site na si Santiago Apin ang nakabulagtang biktima na sunog ang ilang bahagi ng katawan dahil sa pagkakakuryente.
File

MANILA, Philippines — Isang 35-anyos na binata ang nasawi matapos makuryente nang aksidenteng mahawakan ang kawad ng kuryente na ikinabit sa tabi ng bakod ng isang construction site sa Purok-1, Brgy. Banag sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng gabi.

Sunog ang ilang bahagi ng katawan dahil sa lakas ng boltaheng tumama sa biktimang si Norberto Azores Jacob, residente ng Purok-6 ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang matagpuan ng foreman ng JM Olbes Hardware Construction Site na si Santiago Apin ang nakabulagtang biktima na sunog ang ilang bahagi ng katawan dahil sa pagkakakuryente.

Pinaniniwalaan na aksidenteng nahawakan ng biktima ang kawad ng kuryente na ayon kay Apin ay kanya itong kinabit sa bakod para makaiwas sa mga magnanakaw na gustong pumasok sa compound ng construction site.

Show comments