^

Probinsiya

Lider ng ‘Basag-Kotse’ natiklo sa GPS

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lider ng �Basag-Kotse� natiklo sa GPS
Ang lider ng “Basag Kotse Gang” na si Von Christian De Leon Magcanan matapos na masukol ng Bacoor City Police sa follow-up operations sa Tagaytay City, Cavite habang papatakas dahil sa tulong ng GPS ng ipad na kanilang ninakaw mula sa loob ng isang SUV sa Bacoor kamakalawa.
(Kuha ni Cristina Go-Timbang)

CAVITE  , Philippines  —  Bumagsak sa kamay ng pulisya ang uma­no’y notoryus na lider ng “Ba­sag Kotse Gang” na res­ponsable sa sunod-sunod na pambibiktima sa buong National Capital Region, Region 3 at Region 4-A matapos silang ma-track sa GPS ng ipad na kanilang tinangay at masukol sa Tagaytay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang sinasabing lider na si Von Christian De Leon Magca­nan,  32, ng Brgy. 253, Tondo, Manila habang nakatakas ang kasamang miyembro ng grupo na si Mark Fernandez matapos ang habulan na nakaabot pa ng Tagaytay. 

Sa ulat, alas-8 :30 ng gabi nang umano’y basagin ng mga suspek ang kaliwang bahagi ng salamin ng naka-park na Mitsubishi Montero sa may Veal Burger Restaurant sa kahabaan ng Molino Boulevard sa Brgy. Bayanan, Bacoor at tinangay ang mga mahahalagang gamit sa loob nito kabilang ang isang Ipad ng biktima.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek, naka-active ang GPS ng nasabing ipad na ka­nilang nakulimbat at tuluyang tumakas sakay ng motorsiklo na Mio Black (7856 XZ) patungong Tagaytay City. 

Dahil sa GPS ng nasabing ipad,  natunton ng pulisya ang kinaroroonan ng mga suspek hanggang sa masabat sila sa Tagaytay at nagkaroon ng ilang minutong habulan. Nakorner si Magcanan habang nakatakas si Fernandez.  

Narekober sa suspek ang anim na bag na posibleng pag-aari ng kanilang mga nabiktima. Nakuha rin sa  loob ng brief ng suspek ang 10 sachet ng shabu na nasa 1.78 gramo.  

Inamin naman ng suspek na ng nasabing araw, nakatatlong lugar sila ng operasyon ng Basag Kotse kung saan una silang nambiktima sa  Sto. Tomas, Batangas at sumunod sa Calamba, Laguna. Huli nilang tinarget ay ang nasabing Montero sa Bacoor City. Nakatakda pa sana silang mag-operate sa Tagaytay City kung saan sila natunton. 

vuukle comment

ARRESTED

BA­SAG KOTSE GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with