Trader, helper kinatay ng stude na kawatan

Tadtad ng saksak sa katawan ang store owner na si Teresita Tagriza, 74-anyos at helper nitong si Remedios Malaga, 52, na agarang ku­mitil sa kanilang buhay matapos na undayan ng sunud-sunod na saksak ng suspek na si Rene Diocos, 22, electrical techno­logy student ng Iloilo Science and Technology University sa Alimodian, Iloilo.

MANILA, Philippines — Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang negos­yante na nagmamay-ari ng isang tindahan at helper nito habang isa pa ang sugatan matapos silang pagsasaksakin ng isang estudyante na nanloob sa kanila sa Brgy. San Antonio, Molo District, Iloilo City kamakalawa.

Tadtad ng saksak sa katawan ang store owner na si Teresita Tagriza, 74-anyos at helper nitong si Remedios Malaga, 52, na agarang ku­mitil sa kanilang buhay matapos na undayan ng sunud-sunod na saksak ng suspek na si Rene Diocos, 22, electrical techno­logy student ng Iloilo Science and Technology University sa Alimodian, Iloilo.

 Sa ulat ni Chief Inspector Marlon Valencia, hepe ng Molo District Police Precinct, nangyari ang krimen sa tindahan ni Tagriza sa nasabing lugar bandang alas-8:30 ng umaga. Bigla na lamang pinasok ni Diocos ang store at agad nitong pinagsasaksak ang negos­yante at isinunod ang hel­per na noon ay naglalaba. Ba­gaman nakalaban ang helper, mas nagapi siya ng suspek. Nadamay naman ang anak nitong si Julie Ann, 35, na nasaksak sa balikat nang madaanan ng suspek habang papatakas dala ang mga kinulimbat na pera at iba pa sa tindahan.

Naaresto ng mga nag­res­pondeng pulis ang suspek na may tama ng saksak sa ka­may matapos na manla­ban ang helper at ngayo’y nila­lapatan ng lunas sa West Visayas State University Medical Center.

 Nahaharap sa kasong double murder at frustrated murder ang suspek.

Show comments