Konsehal itinumba sa palengke

Sanhi ng mga tama ng punglo sa tiyan at dibdib, dead-on-the-spot ang biktimang si Domingo Arcamo II, 1st term councilor ng nasabing bayan.
File Photo

MANILA, Philippines — Hindi lamang pagsisilbi sa bayan ang tinuldukan kundi ma­ging ang buhay ng isang konsehal na nasa kanyang unang termino pa lamang bilang lingkod-bayan matapos na ratratin ng armadong riding-in-tandem habang nasa harapan ng pamilihang bayan ng Siquijor, Siquijor nitong Huwebes ng gabi.

Sanhi ng mga tama ng punglo sa tiyan at dibdib, dead-on-the-spot ang biktimang si Domingo Arcamo II, 1st term councilor ng nasabing bayan.

Sa report ng Siquijor Police, dakong alas-6:00 ng gabi ma­kaarang sunduin ng biktima ang kanyang misis sa pinagtatrabuhan nitong ospital ay dumiretso sila sa pa­mihilang bayan upang mamalengke. Gayunman, habang naghihintay si Arcamo sa kanyang misis sa labas ng pamilihan nang big­lang sumulpot ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at walang abug-abog na pinagbabaril ang  biktima na sakay din ng motorsiklo hanggang sa duguang bumulagta.

Pulitika at personal na alitan ang sinisilip na motibo ng krimen habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso. (With trainee Hermie Rivera)

Show comments