^

Probinsiya

Chief tanod pinabulagta

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Chief tanod pinabulagta
Tinamaan ng mga bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Gregorio Atanante Jr, ng nasabing barangay. Ayon sa anak ng biktima na si Ramon,19, dakong alas-7:24 ng gabi habang naglalakad ang kanyang tatay upang bumili ng sigarilyo nang biglang sumulpot ang isang hindi nakilalang lalaki at biglang pinagbabaril ang ama.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang isang 47-anyos na aktibong kasapi ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) na isa ring chief tanod matapos pagbabarilin ng tatlong armado habang naglalakad sa Purok-7, Brgy. Pinamaniquian sa Ligao City, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Tinamaan ng mga bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Gregorio Atanante Jr, ng nasabing barangay. Ayon sa anak ng biktima na si Ramon,19, dakong alas-7:24 ng gabi habang naglalakad ang kanyang tatay upang bumili ng sigarilyo nang biglang sumulpot ang isang hindi nakilalang lalaki at biglang pinagbabaril ang ama.

Isa pang suspek ang lumitaw sa madilim na bahagi ng kalye at dalawang beses na pinutukan ang biktima habang ang isa pa na nakatago sa sagingan ang lumabas at tumulong na rin sa pamamaril.

Kahit sugatan, nagawang makatakbo ng biktima pero hinabol siya ng mga suspek at muling pinagbabaril hanggang sa tuluyang tumimbuwang. Sinubukang isugod ng mga kaanak ang biktima sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital pero idineklarang patay.

vuukle comment

CITIZEN’S ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with