Misis binuhusan ni mister ng kumukulong tubig!

Ayon kay Jaycee Acojedo sa pulisya, pinagmumura pa siya ng mister na si Rolando Acojedo, 43, isang obrero, habang nami­milipit siya sa tinamong paso na nasa second degree burns sa katawan at naisugod sa pagamutan. ?

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Walang ka­sing hapdi ang dinanas ng isang 39-anyos na misis matapos buhusan ng selosong mister ng kumukulong tubig ang kanyang mukha at katawan habang nakahilata sa kanilang bahay sa Brgy. Tucalana, Lal-lo, Cagayan kamakalawa. Ayon kay Jaycee Acojedo sa pulisya, pinagmumura pa siya ng mister na si Rolando Acojedo, 43, isang obrero, habang nami­milipit siya sa tinamong paso na nasa second degree burns sa katawan at naisugod sa pagamutan. ?

Aniya,  inihabilin pa ng mister na siya na ang magpapaaral sa kanilang mga anak bago  naglayas dala ang isang bag na puno ng damit.? Sinasabing sinira ng mister ang mukha at katawan ng misis upang hindi na pagnasaan pa ng ibang lalaki.?

Show comments