2 parak nagduwelo sa GRO: OFW dedo!
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Pinaglalamayan ngayon ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos na madamay sa duwelo ng isang opisyal at bagitong miyembro ng Philippine National Police na kapwa sugatan dahil sa umano’y pinag-awayang guest relation’s officer (GRO) habang nag-iinuman sa loob ng isang KTV bar sa Brgy. Magapit, Lal-lo, Cagayan kamakalawa ng madaling-araw.?
Sa ulat, agad na nasawi ang OFW na si Edward Opiña dahil sa tama ng punglo sa katawan.
Kinilala naman ni Chief Insp. Ramon Macarubbo, hepe ng Lal-lo Police nagduwelong sina Sr. Insp. Jeffrey Equuizabal, nakatalaga sa Regional Office 2 ng lungsod na ito at si PO1 Mike Sosa, kasapi ng Gonzaga Police na kapwa sugatan sa insidente. ?
Sa ulat, alas-2:30 ng madaling araw nang umano’y magwala si Opiña na kasama ni Equuizabal dahil sa walang gustong tumeybol na GRO sa kanya sanhi ng kalasingan nito.? Dahil dito, sumawsaw sa komosyon si PO1 Mike Sosa sa naroon din sa Maldita KTV na pag-aari ni Paquito Diaz hanggang sa mauwi sa pagtatalo at barilan ng dalawang pulis. Dahil dito, mabilis na nagpulasan ang mga kustomer sa bahay aliwan hanggang sa tumambad ang nakabulagtang si Opiña sa sahig na duguan at patay na nang mahawi ang usok ng putukan.?
Anim na basyo ng bala ng cal. 9mm ang nasamsam sa crime scene matapos ang insidente.
- Latest