^

Probinsiya

Hepe sa Bulacan, kulong sa kotong

Boy S. Cruz, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Hepe sa Bulacan, kulong sa kotong
P/Supt. Jowen dela Cruz

MANILA, Philippines — Isang hepe ng pulisya sa isang bayan sa lalawigan ng Bulacan ang inaresto ng kanyang mga kabaro habang tumatanggap ng mamahaling cellphone sa isinagawang entrapment operation laban sa kanya sa Bocaue, Bulacan nitong Sabado ng madaling araw.

Sa pinagsanib na puwersa ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF), Highway Patrol Group (HPG) Region 3 at Intelligence Group, nasakote sa loob mismo ng kanyang opisina sa himpilan ng Bocaue Police PNP, dakong alas-12:07 ng madaling araw ang hepe na si P/Supt. Jowen dela Cruz.

Sa ulat na nakarating kay PNP-CITF commander P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., nasa aktong tinatanggap ni Dela Cruz ang isang mamahaling Apple I-Phone X mula sa babaeng nagre­reklamo nang ito’y dakipin ng kanyang mga kabaro.

Bago ito ay dumulog ang nagrereklamong babae sa tanggapan ng PNP-CITF sa Camp Crame at inireport na ang Montero SUV vehicle ng kanyang kapatid na nahuli sa isang drug operation ay kinumpiska ng mga pulis at isinailalim sa kustodya ng nasabing opisyal.

Ngunit nang beripikahin ay wala sa police blotter book ang naturang sasak­yan na naging dahilan upang lumapit ang kapatid na babae ng drug suspek kay Dela Cruz upang tubusin ang kanilang sasakyan.

Dito na umano sinabihan ng hepe na maibabalik lamang ang naturang sasakyan kapalit ng Apple I-Phone X na nagkakahalaga ng P75,000 dahilan upang humingi ng tulong ang babae sa mga otoridad saka isinagawa ang entrapment operation na ikinaaresto ng suspek.

Narekober naman sa ope­rasyon ang isang Montero SUV, isang Toyota Vios, isang Wigo at dala­wang motorsiklo na nakumpiska sa mga inarestong suspek sa anti-criminality at anti-drug operations sa kanilang hurisdiksyon.

JOWEN DELA CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with