Lolo lunod sa ilog

Kinilala ng Tupi PNP ang nasawing biktima na si Juanito Alba, isang magsasaka habang ligtas naman ang anak nito na si Nonoy, 13-anyos, pawang residente ng Purol Accacia, sa nasabing lugar.

MANILA, Philippines — Isang 78-anyos na lolo ang nasawi nang malunod matapos na magtangkang tumawid at tangayin ng rumaragasang agos ng ilog habang nakaligtas naman ang kasama niyang anak naganap sa Brgy. Lunen, South Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Tupi PNP ang nasawing biktima na si Juanito Alba, isang magsasaka habang ligtas naman ang anak nito na si Nonoy, 13-anyos, pawang residente ng Purol Accacia, sa nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 nang tinangay ng malakas na agos ng tubig ang matanda habang pilit na tumatawid sa ilog sa kanilang lugar.

Hindi nakayanan ng lolong biktima ang rumaragasang tubig dala ng malakas na buhos na ulan dahilan upang siya’y tangayin at malunod habang mapalad namang nakaligtas ang anak nito.

Ang mga labi ng biktima ay isasailalim naman sa post mortem examination para matiyak na walang foul play sa pagkamatay nito.

Show comments