Utol bulagta kay kuya sa pangangaso!
MAUBAN, QUEZON , Philippines — Sabog ang ulo at namatay noon din ang isang karpintero makaraang aksidenteng mabaril ng nakatatandang kapatid habang nangangaso sa bulubunduking bahagi ng Sitio Ngir-ngir, Brgy. Cagsiay 2, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni P/Chief Insp.Rodeli Calawit, hepe ng pulisya dito, nakilala ang biktima na si Ruel Pinza, 32, may asawa habang boluntaryo namang sumuko sa mga opisyal ng barangay ang kanyang kuya na si Joey Pinza, 48, may live-in partner at kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa pulisya, bandang alas-5:00 ng hapon, magkasamang naglalakad upang mangaso ang mag-utol at hawak hawak ng suspek ang improvized shot gun.
Nadulas umano nang bahagya ang suspek kung kaya aksidente nitong nakalabit ang gatilyo ng baril at nang pumutok ay nasapol ng bala ang kanang bahagi ng ulo ng nakababatang kapatid.
Nahaharap ang suspek sa kasong pagpatay at paglabag sa R.A. 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Act.”
- Latest