^

Probinsiya

Teachers’ stamps ilulunsad ng PhlPost

Pilipino Star Ngayon
Teachers’ stamps ilulunsad ng PhlPost
Kasabay din nito, sisimulan ang “Salamat Po Teacher” letter writing na naglalayong maitaguyod ang kahalagahan ng “Pagpapasalamat” sa kultura ng mga Pilipino partikular sa mga guro sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng lipunan.

MANILA, Philippines — Ilulunsad ngayong araw, Agosto 30, ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) katuwang ang Department of Education (DepEd) at Metrobank Foundation ang selyo tampok ang pagdiriwang ng 2018 National teachers’s Month (NTM) sa Tacloban City, Leyte.

Kasabay din nito, sisimulan ang “Salamat Po Teacher” letter writing na naglalayong maitaguyod ang kahalagahan ng “Pagpapasalamat” sa kultura ng mga Pilipino partikular sa mga guro sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng lipunan.

Sa kabila ng modernong komunikasyon tulad ng cellphone at internet, umaasa ang PHLPost na maibabalik ng mga kabataan sa tulong ng mga guro ang kahalagahan ng pagsusulat o “letter writing” patungo sa hinaharap.

Ayon kay Postmaster Ge­neral Joel Ortega, sa pa­ma­magitan ng mga sulat at selyo, kinikilala ng PHLPost ang ginagampanan ng mga masisipag na guro sa paghubog sa kinabukasan ng mga mag-aaral dahil sa kanilang patnubay.

Ang cartoon-style colored postage stamps ay idinesenyo ni PHLPost graphic artist Rodine Teodoro na naglalarawan ng “patnubay at pagkalinga” na ibinibigay ng guro sa kanyang mag-aaral. Ang PHLPost ay nag-imprenta ng 50,000 kopya ng selyo na mabibili sa halagang P12 bawat isa.

Inaanyaya­han ng PHLPost ang publiko na sumali sa nationwide “Salamat Po Teacher” letter writing raffle promo at kompetisyon na sasalihan ng mga kabataang mag-aaral sa pakikipag-ugnayan ng DepEd.

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with