4 parak sugatan sa NPA ambush!

MANILA, Philippines — Apat na pulis ang nasugatan makaraang tamba­ngan ng mga armadong rebeldeng New People’s  Army (NPA) habang lulan ng patrol car sa liblib na lugar sa  Brgy. Biyong, Masbate City nitong Biyernes ng umaga.

 Kinilala ang mga biktima na sina SPO2 Ariel Espiel, PO2 Leo Michael Azares, PO2 Melmar Rapsing at PO2 Rosalito Apoya II.

 Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Chief Supt. Arnel Escobal, dakong alas-7:30 ng umaga habang bumabagtas sa lugar ang police vehicle lulan ang mga personnel ng Masbate City Police Action Center (MPAC) sa Brgy. Bayombon nang bigla na lamang silang paputukan ng mga nakaposisyong rebeldeng NPA.

 Sa kabila ng sorpresang pag-atake, nakipagpalitan ng putok ang mga pulis sa mga rebelde na ilang saglit pa ay mabilis na nagsitakas nang matanawan ang paparating na reinforcement troops ng pamahalaan.

Show comments