^

Probinsiya

16 hepe sinibak sa Caraga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Labing-anim na hepe ng pulisya ang sinibak sa iba’t-ibang lugar sa Caraga Region bunga ng mahinang performance sa anti-drug campaign sa kanilang nasasakupan kaugnay ng buwanang ebalwasyon sa mga opisyal.

 Sa ulat ni Caraga Regional Director P/Chief Supt. Noli Romana, na ang pagsibak sa nasabing mga hepe ay base sa rekomendasyon ng Oversight Committee on Illegal Drugs. 

Ayon kay Romana, inaprubahan niya ang re­ko­mendasyon ng Oversight Committee sa pa­mumuno ni Sr. Supt. Jimili Macaraeg, Acting Deputy  Regional Director for Operations sa pagsibak sa 16 chief of police kabilang na ang mga nakatalaga sa bayan ng Santiago, Las Nieves, Kitchrao at Magallanes; pawang sa ilalim ng hurisdiksyon ng Agusan del Norte Provincial Police Office (PPO). Samantalang sa Surigao del Norte Provincial Office ay mula naman sa mga bayan ng Tagananan, Bacuag, at San Francisco  habang sa Surigao del Sur PPO ay ang mga hepe sa Cantilan, Marihatag, Cagwaig  at Madrid. Lima namang hepe sa Dinagat Islands PPO ang nasampulan din ng pagsibak sa puwesto.

NOLI ROMANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with