P2.3-M marijuana plantation natunton
MANILA, Philippines — Aabot sa P2.5 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang nadiskubre at binunot ng mga pulis sa isang plantasyon noong Linggo sa Barangay Kasapa 2 sa bayan ng La Paz, Agusan Del Sur. Ayon kay Chief Supt. Noli Romana, direktor ng Caraga Region Police, ikinasa nila ang operasyon alas-3:30 ng hapon sa plantasyon matapos ang ilang linggong surveillance at intelligence monitoring ng La Paz Police.
Aabot sa 200 tanim ng marijuana ang binunot ng mga pulis na tinatayang nasa 20 kilo ang timbang. Karamihan sa mga nakuhang tanim ay agad sinunog habang ang iba ay dinala sa provincial crime laboratory. Inaalam na ng pulisya ang mga nagmamay-ari ng plantasyon.
- Latest