Mag-iina nahulog sa tulay, patay!

Kinilala ang mga biktima na sina Linda Modunggel, 39-anyos at ang dalawang anak nito na sina Melanie Modunggel, 11-anyos; at Ritchel Modunggel, 1-taong gulang.

MANILA, Philippines — Isang ginang at dalawa nitong anak na pawang menor-de-edad ang nasawi dahil sa pagkalunod matapos na sabay-sabay na mahulog sa isang tulay na yari sa kawayan sa Sitio Kiladek, Brgy. Bantek, Upi, Maguindanao, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Linda Modunggel, 39-anyos at ang dalawang anak nito na sina Melanie Modunggel, 11-anyos; at Ritchel Modunggel, 1-taong gulang.

Sa impormasyon kay PNP-ARMM Spokesperson P/Sr. Insp. Jemar Delos San­tos, habang tumatawid sa tulay ang mag-iina nang madulas at mahulog sa ilog hanggang sa tangayin ng napakalas na agos ng tubig. Agad namang nagsagawa ng search and rescue operations ang mga lokal na opis­yal hanggang sa marekober ang mga bangkay ng tatlo.

Ang katawan ng ginang at anak na si Melanie ay narekober sa Sitio Kilawlaw, Brgy. Bantek habang ang bangkay ng isang taong gulang na bata ay nakita sa ilog ng Datu Blah.

Show comments