6 obrero nakuryente: 1 tigok
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isa sa anim na obrero ang natigok matapos makuryente habang nagbabaklas ng andamyong bakal na ginamit sa pagkukumpuni ng isang tulay sa Gamu, Isabela kahapon.
Sa report ng pulisya, hindi na umabot pang buhay si Jimmy Dela Cruz ng Alphatec Engineering sa Faustino Dy Sr. Memorial Hospital sa Ilagan City kung saan dinala ng mga kabaro na sina Rolando Rico, Jorrel Espero, Darell Rodriguez, Michael Equila at Raymond Lagutao na sugatan din at inoobserbahan.
Ayon sa report, aksidenteng dumikit ang isang steel pipe na hawak ng mga biktima sa high voltage wire na nakakabit sa poste kung saan ay sabay-sabay silang nagkikisay dakong alas-9:00 ng umaga.? Inaalam ng mga imbestigador ang pananagutan ng kumpanya ng mga biktima sa nangyaring insidente na ikinasawi ng isa nilang tauhan.
- Latest