Bangka lumubog: 34 mangingisda nasagip

Sa report ni Commo­dore Rommel Jason Ga­lang, commander ng Naval Forces West, dakong alas-7:20 ng umaga nang hambalusin ng malalaking alon at hangin ang bangkang pangisda bunsod upang masira ang katig nito at mabiyak ang bangka hanggang sa lumubog sa karagatan, may 21 nawtikal na milya ang layo sa kanluran ng Guntao Island.

MANILA, Philippines — Tatlumpu’t apat na mangingisda na taga-Occidental Mindoro ang nasagip ng mga elemento ng Philippine Navy makaraang aksidenteng mawasak at lumubog ang sinasak­yan nilang fishing boat nang balyahin ng mga dambuhalang alon sa karagatan ng El Nido sa Palawan nitong  Huwebes.

Sa report ni Commo­dore Rommel Jason Ga­lang, commander ng Naval Forces West, dakong alas-7:20 ng umaga nang hambalusin ng malalaking alon at hangin ang bangkang pangisda bunsod upang masira ang katig nito at mabiyak ang bangka hanggang sa lumubog sa karagatan, may 21 nawtikal na milya ang layo sa kanluran ng Guntao Island.

Nang matanggap ang distress call, bandang alas-8 ng umaga nang magsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng PN ga­mit ang Patrol Craft (PC380) na nakadaong sa El Nido pier alinsunod sa kautusan ng AFP Western Command (WESCOM)-Joint Task Force Malampaya (JTFM) at tinungo ang lokasyon ng lumubog na fishing boat Athan Uno sa bahagi ng nasabing karagatan. Bandang alas-10:20 ng umaga nang maispatan ng PC380 rescue team ang dalawang bangkang de motor, isa rito ay isang maliit na bangka na tinatangkang hilahin ang naputol na bangka na hindi halos mahila dahil sa malakas na ulan at 8-10 talampakang taas ng alon.

Show comments