Amasona nasabat sa checkpoint
PADRE BURGOS, Quezon , Philippines — Naging susi ng pagkakaaresto ng isang hinihinalang amasona at umano’y kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang paglalakad nito nang walang sapin sa paa makaraang takbuhan nito ang checkpoint sa Brgy. Walay ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Sumasailalim sa interogasyon ng pulisya ang nadakip na si Gina Sanggalang alyas Karen, 23, dalaga, residente ng Brgy. Cabuyao.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi nang maglatag ng checkpoint ang tropa ng 2nd Quezon Police Mobile Force sa pamumuno ni P/Chief Insp. Reynaldo Reyes upang pigilan ang posibleng pagpasok ng NPA na nakasagupa ng 85th Infantry Brigade ng Philippine Army sa Brgy. Callagan Atimonan, Quezon na ikinasawi ng hindi pa nakikilalang rebelde.
Napansin umano ng mga pulis si alyas Karen na naglalakad na walang sapin sa paa kung kaya sinita siya subalit tumakbo at nadulas sa isang dalisdis na kanyang ikinaaresto.
Nakuha buhat sa pag-iingat ni Sanggalang ang isang Norinco caliber .9mm na walang dokumento.
- Latest