Magat Dam nasa kritikal na lebel
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nagpakawala ang National Irrigation Administration (NIA) ng tubig sa Magat Dam na nakabase sa Ramon, Isabela matapos na tumaas ang lebel ng tubig dahil sa pagpasok ng malaking volume ng tubig mula sa mga watershed areas bunsod ng patuloy na mga pag-ulan.
Ayon kay Engr. Eduardo Ramos, manager ng NIA-Magat River Integrated Irrigation System, kinakailangan nilang pakawalan ang may 200 cubic meters per second na volume ng tubig mula sa isa sa apat na spillway ng dam para pakawalan ang naipon na tubig sa dam. Aniya, inaasahang madaragdagan pa ang volume ng tubig na pakakawalan sa dam kung patuloy ang pagpasok ng malaking volume ng tubig mula sa malalaking ilog ng Nueva Vizcaya at Ifugao.
Kahapon nasa 189 meters na ang water elevation ng Magat Dam reservoir at apat na metro na lamang para umapaw o maabot ang spilling level na 193 meters.
- Latest