^

Probinsiya

2-anyos apo ginahasa ng lolo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2-anyos apo ginahasa ng lolo
Sa ulat ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, arestado ang suspek na nakilalang si Teodolo Huerno, 50 anyos, Phase 4, Block 6, Lot 42, Brgy. Mapulang Lupa.

MANILA, Philippines — Gumuho ang pangarap ng isang ina para sa kanyang 2-anyos na anak na babae matapos na umano’y halayin ang paslit ng sariling lolo sa Brgy. Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan kamakalawa.

 Sa ulat ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, arestado ang suspek na nakilalang si Teodolo Huerno, 50 anyos, Phase 4, Block 6, Lot 42, Brgy. Mapulang Lupa.

 Ayon kay Bersaluna,  inaresto ng mga ope­ratiba ng Pandi Municipal Police Station (MPS) ang suspek sa tahanan nito sa nasabing lugar nitong Huwebes bandang alas-11 ng tanghali kasunod sa reklamo ng kanyang manugang na si Hermilyn, ina ng bata na hinalay umano ng una.

 Nabatid na nadiskubre ang kahayukan ng suspek matapos na palitan ng diaper ng ginang ang anak na itinago sa pangalang Princess na idinadaing na masakit ang kanyang kaselanan o ari at nilalagnat. Nakita nitong namamaga ang ari ng anak at may dugo. 

 Samantalang sa pautal-utal na pananalita ay sinabi ng bata na sinugatan umano siya ng kanyang lolo, “Si Papa sugat ako” na itinuturo ang kanyang ari.

 Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang ginang sa mga opisyal ng kanilang barangay at katuwang ang mga elemento ng pulisya ay inaresto ang suspek.

CRIME

RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with