2 linemen nakuryente, 1 dedo

Isinugod pa sa NICC Hospital pero idineklarang patay ang biktimang si Ryan Saavedra, 31-anyos, residente ng Brgy. Del Rosario habang patuloy na inoobserbahan ang kasamahang si Adrian Albao, 25, ng Brgy.Tarusanan, Camaligan.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasawi ang isang lineman habang sugatan naman ang kanyang kasamahan matapos na makuryente habang nagtatayo ng poste ng kuryente sa Brgy. San Felipe sa Naga City, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

Isinugod pa sa NICC Hospital pero idineklarang patay ang biktimang si Ryan Saavedra, 31-anyos, residente ng Brgy. Del Rosario habang patuloy na inoobserbahan ang kasamahang si Adrian Albao, 25, ng Brgy.Tarusanan, Camaligan.

Sa ulat, dakong alas-4:12 ng hapon, nagtitindig ng poste gamit ang boom truck ang mga biktima nang aksidenteng tumama ang cable ng boom truck sa kawad ng CASURECO. Sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama sa katawan ng mga biktima ay pareho silang nangisay at isinugod sa ospital kung saan ideneklarang patay si Saavedra.

Show comments