Sundalo dedo sa ambush

Tadtad ng bala ang katawan ng biktimang si Pfc. Johnny Franco, kasapi ng Military Intelligence Company ng Philippine Army-9th Infantry Division at residente ng Brgy. Santa Del Norte, Pa­sacao, Cam Sur sanhi ng agarang pagkasawi nito.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang isang 31-anyos na sundalo matapos tambangan at pagbabarilin ng tatlong hinihinalang rebelde sa Zone 1, Brgy. Veneracion, Pamplona, Camarines Sur noong Biyernes ng umaga.

Tadtad ng bala ang katawan ng biktimang si Pfc. Johnny Franco, kasapi ng Military Intelligence Company ng Philippine Army-9th Infantry Division at residente ng Brgy. Santa Del Norte, Pa­sacao, Cam Sur sanhi ng agarang pagkasawi nito.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga, lulan ng motorsiklo at binabagtas ng biktima ang highway nang pagda­ting sa bahagi ng boundary ng bayan ng Pamplona at Pasacao ay bigla na lang sumulpot ang tatlong mga armado at pinaulanan siya ng punglo.

Ayon sa mga nakasaksi, nawalan ng kontrol ang biktima dahil sa pamamaril kung kaya bumangga pa siya sa kawa­yang bakod. Narekober sa lugar ang apat na basyo ng M16 armalite rifle at pitong basyo ng kalibre .45 baril habang nawawala ang kalibre .45 baril ni Franco.

Show comments