Doktor, 2 pa tiklo sa buy bust

Ayon kay OCPO Director Sr. Supt. Melchor Baliuag Cabalza III, isinagawa ang operasyon laban sa target na suspek na si Corum na nasa drug watchlist at dating drug surrenderee at isang kasama sa bahagi ng 1st Street, Brgy. New Asinan dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Olongapo City  , Philippines  —  Arestado ng City Drug Enforcement Unit at Intelligence Branch ng Olongapo City Police Office (OCPO) ang isang doktor at dalawang kasamahan nito sa inilatag na drug buy bust operation sa naturang lungsod kamakalawa ng madaling araw. Ang mga dinakip ay sina Dr. Carlos Bustamante III, isang umano’y resident physician sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH),  Alejandro Corum alyas “Andrew”, 24, ng Brgy. Sta. Rita, Olongapo City at Aries Delos Santos, 30,  ng Manganvaca, Subic, Zambales.

Ayon kay OCPO Director Sr. Supt. Melchor Baliuag Cabalza III, isinagawa ang operasyon laban sa target na suspek na si Corum na nasa drug watchlist at dating drug surrenderee at isang kasama sa bahagi ng 1st Street, Brgy. New Asinan dakong alas-3:00 ng madaling araw.  Nang maghudyat at dadakpin na sana ang mga suspek ay bigla namang sumulpot sa lugar si Bustamante kung saan nilapitan pa nito ang mga suspek at bumili ng shabu na nagkakahalaga ng P500.

Show comments