TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Limang sundalo ng Philippine Army ang isinugod sa hospital matapos na pinaniwalaang nalason sa kinaing kabute sa kanilang kampo sa Sitio Tinoon, Brgy. Labaan, Bucloc, Abra kahapon.
Kinilala ni Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police ang mga isinugod sa Rural Health Unit na sina Sgt. Leo Lobrino Jr., 39; Cpl. Rence Molina 40, Cpl. Peter Dela Cruz, 26; Pvt. Kenneth Cuello, 23, at Pvt. Aris Buensejo, 27, pawang sa 24th IB.
Ayon sa report, nakaramdam ng magdamag na pagsusuka, pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagtatae ang mga biktima matapos kainin ang mga kabuteng ligaw na kinuha sa kabundukan at nilantakan sa nagdaan nilang hapunan. ?Inoobserbahan pa rin sila sa hospital. (Joy Cantos)