Caretaker, gutay sa vintage bomb

Dakong alas-12:15 ng tanghali nang maganap ang insidente kung saan sa isang bahagi ng farm na kinaroonan ng biktima ay bigla na lang sumabog ang ga-brasong laki ng bomba na nahukay sa isang proyekto sa lugar at pinaniniwalaang mga sumablay na pasabog na inihulog ng mga Amerikano noong nakaraang digmaang pandaigdig.

SANTIAGO CITY, Isabela  , Philippines  —  Wasak ang ulo at nagkagutay-gutay ang katawan ng isang 32-an­yos na farm caretaker matapos na masabugan ng vintage bomb sa bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya, kamakalawa.  Kinilala ng Diadi PNP ang nasa­wing biktima na si Efren Puguon, residente ng Brgy. San Luis ng naturang bayan.

Dakong alas-12:15 ng tanghali nang maganap ang insidente kung saan sa isang bahagi ng farm na kinaroonan ng biktima ay bigla na lang sumabog ang ga-brasong laki ng bomba na nahukay sa isang proyekto sa lugar at pinaniniwalaang mga sumablay na pasabog na inihulog ng mga Amerikano noong nakaraang digmaang pandaigdig. Dead-on-the-spot si Pugon na dinala na lamang ng mga kasamahan sa punerarya upang maayusan at maiuwi sa kanilang lalawigan sa Ifugao upang mabigyan ng disenteng burol.

Show comments