Caretaker, gutay sa vintage bomb
SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Wasak ang ulo at nagkagutay-gutay ang katawan ng isang 32-anyos na farm caretaker matapos na masabugan ng vintage bomb sa bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya, kamakalawa. Kinilala ng Diadi PNP ang nasawing biktima na si Efren Puguon, residente ng Brgy. San Luis ng naturang bayan.
Dakong alas-12:15 ng tanghali nang maganap ang insidente kung saan sa isang bahagi ng farm na kinaroonan ng biktima ay bigla na lang sumabog ang ga-brasong laki ng bomba na nahukay sa isang proyekto sa lugar at pinaniniwalaang mga sumablay na pasabog na inihulog ng mga Amerikano noong nakaraang digmaang pandaigdig. Dead-on-the-spot si Pugon na dinala na lamang ng mga kasamahan sa punerarya upang maayusan at maiuwi sa kanilang lalawigan sa Ifugao upang mabigyan ng disenteng burol.
- Latest