Scammer sa online, tiklo sa entrapment
Nagbebenta ng law review materials
MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaki na umano’y scammer at nagbebenta ng bar review materials ng isang lehitimong review center gamit ang internet sa ikinasang joint entrapment operation ng mga awtoridad sa Laoag City, Ilocos Norte ng nakalipas na linggo.
Kinilala ang suspek na si Jake Bryson Dancel, nasa hustong gulang at residente ng Sitio 3, Brgy. Buttong Laoag City. Siya ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA10175), Electronic Commerce Act (RA 8792) at Intellectual Property Code the Philippines.
Ang operasyon laban kay Dancel ay isinagawa kasunod ng reklamo ni Atty. Hazel Riguera, pangulo ng Jurists Review Center Inc. na may tanggapan sa 2/F Azucena Arcadem 255 Alabang-Zapote Road, Brgy. Pamplona, Las Piñas City.
Sa imbestigasyon ng Special Action Unit at Investigation Service (InvS) na na-access ni Dancel ang website ng Jurists Review Center. Ni-rekord at kinuha nito ang nilalaman ng website at ibinebenta sa publiko ang online bar examinations review materials sa halagang P2,500 nang walang pahintulot ng review center. Ginamit din umano niya ang Facebook account name na ‘Res Nullius” para i-advertise ang pagbebenta nito ng review materials sa isang FB group page na “Law Student Help Group Philippines”. Nadakip si Dancel matapos na tanggapin nito ang P2,500 marked money mula sa isang poseur buyer sa tirahan nito sa Laoag City.
- Latest