MANILA, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11040 na kinikilala ang Abril 27 bilang Lapu-Lapu Day.
Sa ilalim ng batas isang special working holiday ang Lapu-Lapu Day sa buong bansa, maliban sa lungsod ng Lapu-Lapu City sa Cebu kung saan ito ay special non-working holiday.
Kinikilala ng naturang araw ang kabayanihan ni Lapu-Lapu na ipinaglaban ang Mactan mula sa pananakop ng Espanya sa pamumuno ni Ferdinand Magellan.
“Whereas, the Battle of Mactan is among the significant events in the Philippines history and serve as testimony to the rich cultural and historical heritage of the ceremonies,” nakasaad sa Proclamation 461 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong April 2.
Pinirmahan ni Duterte ang panukala noong ika-29 ng Hunyo at inaasahang magkakabisa 15 araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan.