MANILA, Philippines – Isang 5.8 magnitude na lindol ang tumama sa lalawigan ng Saranggani ngayong gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ito ang pangalawang malakas na lindol na tumama sa bansa ngayong Martes.
Naitala ng Philvocs ang sentro ng lindol sa apat na kilometro silangan ng bayan ng Glan ganap na alas-sais ng gabi.
May lalim na 95 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.
Naramdaman ang Intensity IV sa lungsod ng Mati at Davao, habang nakapagtala naman ng instrumental intensity V sa General Santos City at sa bayan ng Alabel sa Sarangani.
Kaninang 12:25 ng tanghal ay niyanig naman ng magnitude 5.2 na lindol ang Nasugbu, Batangas na nasundan ng dalawang aftershocks.
Wala namang naiulat na nasaktan sa dalawang lindol.