Misis nagipit sa pera, nagbigti
ATIMONAN, Quezon, Philippines — Isang Ginang ang nasawi matapos na magbigti dahil sa matinding problema sa pananalapi kamakalawa ng umaga sa Barangay Lumutan ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Adelaida Garcia, 50, ng nabanggit na lugar. Sa imbestigasyon, bago isinagawa ng biktima ang pagpapatiwakal ay nakausap pa nito sa telepono ang anak na OFW at doon ay idinaraing ang problema nila sa pera hanggang sa makatulog ang una katabi ang kanyang apo.
Gayunman, dakong alas-6:00 ng umaga ay nagulat ang kapamilya nito nang makita ang biktima na nakabitin na sa kanilang terrace gamit ang isang lubid na abaca.? Sinikap pa siyang dalhin sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival.
- Latest