^

Probinsiya

42 mag-aaral nalason sa kendi

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
42 mag-aaral nalason sa kendi
Ayon sa Buguias Police, umabot na sa 42 ang mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya ang isinugod sa Atok District Hospital matapos muling ibalik ang 11 mag-aaral sa pagamutan kahapon ng umaga bukod pa sa anim na unang na-confine dahil sa pananakit ng tiyan.

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines  —  Nasa 42 mag-aaral ang isinugod sa pagamutan matapos sumakit ang kanilang tiyan sa kinain umanong kendi sa Natubleng, Buguias, Benguet.

Ayon sa Buguias Police, umabot na sa 42 ang mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya ang isinugod sa Atok District Hospital matapos muling ibalik ang 11 mag-aaral sa pagamutan kahapon ng umaga  bukod pa sa anim na unang na-confine dahil sa pananakit ng tiyan.

Napag-alaman na may kakaiba umanong amoy ang kendi na kinain ng mga mag-aaral mula sa mag-asawang Koreano na matagal umanong nami­migay ng pagkain sa mga bata.

Pumirma naman umano ang mag-asawang misyonero na Koreano na makikipagtulungan sa imbestigasyon.

Posible umanong kasuhan ang manufacturer o pagawaan ng kendi kabilang na rin ang grocery kung saan ito binili ng mag-asawang Koreano.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad at sa pagsusuri sa sample ng kendi upang matukoy kung sira na ito at nakalalason.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->