Tserman na HVT natimbog
MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang barangay chairman na itinuturing na high value target (HVT) sa drug watchlist matapos siyang arestuhin ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Brgy. Pagkakaisa, Puerto Princesa City, Palawan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Angelito Arriesgado, 50-anyos, may asawa, kasalukuyang chairman ng Brgy. Pagkakaisa. Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, spokesperson ng Mimaropa Police, dakong alas-2 ng hapon nang isilbi ng mga operatiba ang search warrant laban sa suspek.
Ang nasabing tserman ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA)10591 o ang Firearms and Ammunition Act at RA 9165 (Anti–Illegal Drugs Act). Bago ang operasyon, isinailalim muna sa masusing surveillance operation ang nasakoteng opisyal ng barangay. Nasamsam mula rito ang isang cal. 38 pistol, apat na rounds ng bala ng cal. 38 pistol at isang piraso ng plastic sachet ng shabu.
- Latest