Police vs Army: 6 patay, 9 sugatan!

Sa report ni Chief Supt. Mariel Magaway, director ng Police Regional Office (PRO) 8, dakong alas–9:27 ng ­umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 805th Regional Mobile Force (RMF) at Army’s 87th Infantry Battalion (IB) nang makasagupa ang mga rebeldeng komunista sa lugar.

Misencounter sa Samar

MANILA, Philippines — Anim na pulis ang nasawi at siyam pa nilang kasamahan ang na­sugatan makaraan ang trahedya ng misencounter sa pagitan ng mga ­elemento ng pulisya at  militar na kapwa tumutugis sa mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na lugar sa Brgy. Sta Rosa, Villareal, Samar kahapon ng umaga.

 Sa report ni Chief Supt. Mariel Magaway, director ng Police Regional Office (PRO) 8, dakong alas–9:27 ng ­umaga  habang nagsasagawa ng combat operation ang  tropa ng 805th Regional Mobile Force (RMF) at Army’s 87th Infantry Battalion (IB) nang makasagupa ang mga rebeldeng komunista sa lugar.

 Sa panig ni Philippine Army’s 8th Infantry Division  (ID) Comman­der Major Gen. Raul Farnacio, limang araw nang nagsasagawa ng ope­rasyon ang tropa  ng mi­litar laban sa tinatayang mahigit 20 teroristang NPA. Gayunman, nagkaroon ng miskomunikasyon habang kasagsagan ng engkuwentro kaya mismong ang tropa ng militar at mga pulis ang nagkabakbakan sa lugar.

Nabatid na ang mga pulis ay tatlong araw na ring nagsasagawa ng operasyon sa lugar laban sa mga terorista na sumunod sa tropa ng militar.

Kinilala ang mga nasawi na sina PO1 Phil Rey Mendigo, PO1 Edwin Ebredo, PO1 Wendel Normar, PO2 Rowel Reyes, PO1 Julie Escalo, PO1 Julius Suarez.

 Ang mga nasugatan ay sina Romulo Cordero, PO1 Elmer Pan, PO1 James Galoy, PO1 Rey Barbosa, PO1 Goner Gonzaga, PO3 Roden Guden at tatlong iba pa na pawang isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Bumuo na ng Special Investigating Task Group upang imbestigahan ang madugong engkuwentro.

Show comments