KIDAPAWAN CITY, Philippines — Maagang nawasak ang pagkadalaga ng isang 19-anyos na babae matapos na halinhinang ginahasa ng apat na mga kalalakihan kasama ang nobyo nito sa isang inuman sa Brgy. Tambler sa General Santos, South Cotabato, kamakalawa.
Sa reklamo ni alyas Jane sa Tambler Police Station, alas-2:00 ng madaling araw nang sumama siya sa kanyang boyfriend na si alyas Mark habang kainuman ang tatlo pang barkada. Aniya, nang malasing na umano ang mga suspek ay ginahasa siya ng nobyo at pinagtulungan ng mga barkada.
Paliwanag ng biktima, hindi nito naipagtanggol ang sarili dahil sa epekto ng alak. Agad namang naaresto ng pulisya ang boyfriend at isa pang kasama habang pinaghahanap ang dalawa pang kasamahan ng suspek na nakatakas.