Saleslady durog sa motor

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nalasog ang katawan ng isang 34-anyos na saleslady matapos mabangga ng rumaragasang motorsiklo habang naglalakad sa tabi ng Maharlika National Highway sa Brgy. Sooc, ng Lupi, Cam Sur kamakalawa ng umaga.

Naisugod pa sa Bicol Medical Center sa Naga City pero kalaunan ay namatay ang biktimang si Evangeline Mengorio, ng Purok 2, Brgy. Sooc. Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga habang naglalakad ang biktima nang isang motorsiklo (IX-2328) na minamaneho ni Randy Mirabel ang nawalan ng kontrol.

Sa bilis ng takbo, napunta ang motorsiklo sa tabi ng highway kung saan nabangga nito ang naglalakad na biktima na idineklarang patay habang ginagamot sa ospital.

Show comments