Drug ops: 4 dedbol, 12 tiklo

Nasawi sa loob ng sariling niyang tahanan ang isa sa apat na napaslang na suspek sa drug bust operation sa Bulacan na si Jeffrey Santiago matapos na kumasa ito sa mga otoridad naganap sa Northville 5, Brgy. Batia, Bocaue.
Kuha ni Boy S. Cruz

MANILA, Philippines — Apat na sinasabing mga notoryus na tulak ng shabu ang nasawi habang labingda­lawa pa ang naaresto sa pagpapatuloy ng Oplan SACLEO (Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation) ng pulisya sa koordinas­yon sa PDEA Region-3 sa iba’t ibang bayan ng Bulacan, Miyerkules ng gabi at Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ng mga otoridad ang mga nasawing suspek na sina Jeffrey Santiago, 34, ng Brgy. Batia sa Bocaue; Jessie Vasquez, 41, ng Brgy.Lugam sa Malolos City; alyas “Pilay” ng Brgy. Sampaloc sa San Rafael; at alyas “Kuba” ng Brgy. Sto. Cristo sa Pulilan.

Kaagad namang sinampahan ng mga kaukulang kaso ang labindalawa pang mga naarestong suspek.

Sa unang ulat ni P/Supt. Orlando Castil Jr. ng Provincial Intelligence Branch dakong alas-10:20 ng gabi ay nakipagtransaksyon ang isang poseur buyer na pulis.

Nang makuha na ang droga ay dito na sinubukang arestuhin ng pulisya si Pilay subalit pumalag ito na na­ging dahilan upang bunutin ang kanyang armas subalit naging maagap ang pulisya na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Samantala, ganito rin ang sinapit ng tatlo pang napatay na  suspek na sina Santiago, Vasquez, at alyas ‘Kuba”

Nakekober sa mga naturang operasyon ang tatlong .38 rebolber, isang .22 rebolber at mga bala nito, 61 sachet ng shabu, 10 sachet ng marijuana, iba’t-ibang  drug paraphernalias at P4,700 marked money na ginamit sa mga naturang operasyon.

Show comments