MABALACAT CITY, Pampanga , Philippines — Isang non-government organization na nagsusulong ng tamang impormasyon at kaalaman tungkol sa Human Immunodeficiency Virus o HIV at Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS ang lumahok sa isang malawakang libreng HIV testing.
Kabilang ang Juan Positive Movement o JPM, na nakabase sa Brgy. Lakandula sa walong grupong nakipag-partner sa Love Yourself, Inc. sa pagsasagawa ng HIV testing na tinawag na “This Is Me: Brave and Free”.
Pangunahing layunin ng nasabing aktibidad na itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa HIV-AIDS at hikayatin silang umaksyon tungkol dito upang mabawasan ang stigma at diskriminasyon sa mga taong may HIV o PLHIV.
Ayon kay Wayne Baniqued, tagapagtatag ng JPM, nabuo ang kanilang organisasyon upang lumikha ng isang support system na tutulong sa mga PLHIV na mapanatili ang pagpapahalaga sa sarili at pagiging produktibong mamamayan.
Suportado ng Department of Health (Research Institute for Tropical Medicine, Pilipinas Shell Foundation Inc., Save the Children, AIDS Healthcare Foundation (AHF), Phl NGO Council on Population Health and Welfare, Inc. (PNGOC), Australian Aid Program (AusAID) at Humanist Institute for Dev’t Cooperation ang nasabing proyekto.