MANILA, Philippines — Dalawang parak na idineklarang AWOL (Absence Without Official Leave) ang nasakote ng anti-drug operatives sa buy bust operation sa Metro Montana, Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal nitong Huwebes ng gabi.
Iprinisinta ni Police Regional Office (PRO) IV A Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar sa mediamen ang mga nasakoteng suspek na kinilalang sina PO2 Benjo Sionilo alyas Bedjo, 37 anyos, ng Block 6, Lot 41, Charmison Subdivision, Brgy, Geronimo, at PO1 Ivan Henrick Tavas, 33 ng 530 M.H. Del Pilar St., Brgy. Geronimo; pawang sa bayan ng Rodriguez.
Si Sionilo ay 11 taon sa serbisyo sa PROIVA at ang huling assignment ay sa Antipolo City Police Station bago siya nag-AWOL noong Marso 3, 2018.?
Samantala, si Tavas na nakatalaga rin sa PROIVA ay nag-AWOL naman noong Marso 29, 2017 na ang huling assignment ay sa Rizal Provincial Mobile Force Company. Bandang alas-10:20 ng gabi nang masakote ang dalawa ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Board/Provincial Drug Enforcement Unit (PIB/PDEU) sa pamumuno ni Supt. Christopher Dela Peña at Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Rodriguez Municipal Police Station sa pangunguna ni Pablito Naganag sa ilalim ng superbisyon ni Rizal Provincial Director Sr. Supt. Lou Evangelista sa pakikipag-koordinasyon sa PDEA-IVA.